Update on the story:
Last Friday (march 20, 2009) nagpunta ang mahigit 30 students out of the 58 students na ibinagsak nila sa Ched main (Quezon City) for mediation , nandun din si Fr. Richmond with Dean Cortez and Mrs. Bernabe, di ko na papahabain pa nag usap usap sila dun pero si Fr. Richmond lang ang nagsasalita, take note hindi nagsasalita yung dalawa kasi sasabit sila. Tinigasan na ni Fr. Richmond ang hindi pagraduatin ang 58 students, nang tinanong ng taga ched kung para saan ang 3,500 na siningil nila para sa enhancement program na yun ay wala syang maisagot, iniiba nya ang usapan, the ched mediator even said that bawal yung ginawa nila na yun dahil may memo ang ched sa mga schools na di sila pwedeng mag affiliate with review centers at bawal silang maningil ng ganung fee for the enhancement program nayun. Sa mediation na to hiniling ng mga students na makagraduate na pero di pa rin pumayag ang pari at nagpropose pa ng another remedial 500 questions at pag di nakapasa 2010 gagraduate ( ang lupit diba? pari yan alagad ng Dios, pero mag isip isip ka kung talagang alagad sya ng Dios). Sa makatuwid walang ngyari sa mediation nay un umuwi sila fr. Richmond, dean at mrs. Bernabe na nakangiti kasi nasira nila ang moral ng mga estudyante, nagpasya ang mediator na “failed mediation ang ngyari” sabi ng taga ched pabubuksan nila ang record ng CIC sa region 3 office nila para malaman kung may enhancement program nga bas a curriculum.
Tuesday( march 24, 2009) sa Ched region 3 sila nagpunta, nandun si dean, vice pres. For academic affairs, at taga registrar, kaharap ang 10 students with the regional head ng CHED… dito nagka anomalya na naman kasi nagmeeting muna yung tatlo with the regional head ng CHED na di kasama ang mga students numpala may niluluto na naman silang plano para malito at mawalan ng pag asa ang mga estudyante, take note ano ba ang pinunta ng mga estudyante at ng mga taga CIC dun? “tingnan po ang libro ng school kung may enhancement program nga bas a curriculum”. Sinubukan ng CHED director na mag mediate at makipag areglo, ang gusto ni director pagraduatin ang mga estudyante at magsummer class ulit… (parang Malabo yata yun kasi yung ibang mga students nag downpayment na sa mga review centers including yung review center na inindorso ni dean Cuaresma) hindi pumayag ang mga students, so pumunta na sila sa talagang kung ano ang ipinunta nila dun ang pagbukas ng libro ng school at napatunayan nila na WALA TALAGA ANG ENHANCEMENT PROGRAM SA CURICULLUM NA YUN AT HINDI ITO DAHILAN UPANG HINDI MAKAGRADUATE ANG MGA ESTUDYANTE….
Umuwi sila dala ang kopya ng syllabus ng curriculum.
The next day (March 25, 2009) nagtungo ang mga estudyante sa CHED main, 9:00 am nakipag usap sila kay CHED chairman Emmanuel Angeles, ipinakita nila ang mga dokumento na magpapatunay na WALA TALAGA ANG ENHANCEMENT PROGRAM NA YUN SA CURICULLUM, they decided to have a meeting along with the other commissioners para mapag usapan kung anong desisyon ang kanilang ipapataw.
At 3pm natapos ang meeting ng mga CHED officials at SALAMAT SA DIOS at nagtagumpay ang KATOTOHANAN AT KABUTIHAN, gumawa ng SULAT ang opisina ni chairman Emmanuel Angeles na nag uutos na dapat sila pagraduatin ngayong march 31, 2009. Ito ay ipapataw ng CHED region 3 (teka bakit nga ba region 3 na naman ang maglalakad? ITO AY SA KADAHILANANG AYAW NA NI CHAIRMAN ANGELES NA SYA ANG MAG ASIKASO DAHIL DAW PAG NAPATUNAYAN NI CHAIRMAN ANG ANGELES NA MARAMING NAGAWANG PAGLABAG SA ALITUNTUNIN NG CHED ANG NASABING ESKWELAHAN AY SIYA MISMO ANG MAGPAPASARA NITO. Kahit po sana yung nursing department na lang ang alisin total may magagandang kurso pa naman na inooffer ang CIC gaya ng HRM. Sana lang po ay sumunod itong si Fr. Richmond Nilo sa utos ng CHED.
Kami po sa CIC BSN Batch 2009 ay nagpapasalamat sa mga suporta at panalangin na ibinagay aming mga mahal sa buhay, kaibigan, maging sa mga estudyante sa CIC na hindi naming kabatch na tumulong upang palakasin an gaming mga loob at nagbigay inspirasyon upang ipaglaban ang tama.
Ang masasabi lang po naming sa mga opisyal ng CIC kay Fr. Richmond, sana inisip mo na isa kang pari, kayo ay sinugo ng Dios kapalit nila dito sa lupa upang magpalaganap ng kabutihan ng Dios sa tao, kung ang ministeryo mo ay sa pamamahala, ipanalangin mo sa Dios na bigyan ka ng kahusayan sa pamumuno na sa bawat desisyon mong gagawin ay di madudungisan ang pangalan ng Panginoon sapagkat pari ka naman at siya ang iyong nirerepresenta. Sana inisip mo rin ang mga kalagayan ng mga bata na 4 na taon nag aral sa school na to at pag malapit na sila makatapos ay bigla mong aalisin sa kanila ang isang bagay na bahagi ng kanilang buhay na napagtagumpayan nila na makakapagpabago ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya. Sana inisip mo ang mga magulang na nagpakahirap sa pagtatrabaho upang igapang ang pag aaral ng kanilang mga anak, nariyang may mga magulang na umuwi pa galling ng ibang bansa upang masilayan ang kanilang mga anak sa araw ng kanilang pagtatapos at Makita ang bunga ng kanilang pag hihirap at pagtitiis. Fr. Richmond nakakatukog ka pa ba sa gabi? O sadyang gayun na lang katigas ang damdamin mo? Isipin mo nakadikit sa pangalan mo ang Father.
Kay Dean Cuaresma naman po, hindi po tama na yung nakapasa lang sa enhancement program nyo ang pagagraduatin at pakukuhanin nyo ng Board exam dahil sa tingin nyo po ay sila lang ang makakapasa… HINDI PO KAYO DIOS PARA SABIHIN ANG DAPAT MANGYARI…. 30 lang ang nakapasa ng mock board ibig sabihin hindi effective ang enhancement program nyo…. At kung ginagawa nyo ito para maitaas ang kaledad ng school, magi sip po ulit kayo at MALI PO KAYO DYAN… NAPAKARAMING FACTORS na dapat iconsider upang maitaas ang kaledad ng school nariyang magkaroon ka ng magagaling na FACULTY MEMBERS, maganda at sapat na FACILIDAD para makatulong sa mga estudyante, kaming mga students ay nagpunta sa school nyo para matuto at turuan nyo.. dapat kayo ay nandyan para saming paglago hindi yung kayo pa ang magbibigay ng sama ng loob at problema samin… torture ang ginawa nyo saming mga estudyante… sana nga nakakatulog kayo sa mga ginagawa nyo…
SUMA TOTAL HINDI EFFECTIVE ANG ENHANCEMENT PROGRAM SA CIC MAGING ANG PAGTUTURO KAYA KAYO MAG ISIP ISIP NA KAYO KUNG GUSTO NYO PA MAG ARAL SA SCHOOL NA YAN… GOD BLESS YOU…..