Saturday, March 28, 2009

CHED confirms that Enhancement Program is not part of our curicullum but....

CHED confirms that Enhancement Program is not part of our curicullum but....
yun nga wala talaga sa libro ng CHED sa region 3 ang Enhancement Program na iniimpliment ng CIC. but for BSN3 there is no assurance na wala ng enhancement program next year or assurance na di na mauulit ang ngyari sa BSN4 because....
according to a CHED official and a college registrar it is possible to make a revision sa curicullum as long as approved by CHED region 3, in the case of BSN4 ang naging mali ng CIC officials ay ilang taon na silang nag iimpliment ng ENhancement Program and yet di nila inuupdate ang curicullum. ang paliwanag kasi ng CIC officials ( o mga dragon at halimaw ng CIC ) ay ang Enhancement Program is an evaluation of the student for his/her 4 years of study. in short isisingit lang nila yung word na EVALUATION sa college catalog kahit na ba OLD CURICULLUM pa tayo. remember and take note, dyan sa region 3 may kapit ang CIC, dyan nga nagkaleche leche ang magic 58, puro delaying tactics ang ginawa nila sa mga estudyante dyan, kaya madali lang makakapag revised/update ang CIC ng curicullum.
yeasterday, march 27, 2009. Dean Cuaresma along with some faculty member ( na mga sip sip ) ay nagpunta ng CHED.
at ano naman kaya ang pinunta nila dun???? may usap usapan na upang irevised ang curicullum, we dont know yet the truth to that pero wala namang mawawala kung maging aware tayo di ba? lalo na ang BSN 3 at BSN 2.
LABAN!!! WAG KAYONG MATAKOT!! mga tao rin ang mga yan , ugaling halimaw lang ! BWAHAHAHAHAHA!!!
BSN 3 and 2 : study hard and pray hard
CIC officials : Go to church every Sunday and read the Bible everyday..
GOD bless!!!
-Rebel-

latest development on the story

Latest development on the story
March 26, 2009 Thursday. @4:00 pm, nagmeeting ang institute of health sciences, close door and no students allowed sa nursing office (ano kaya ang pinag uusapan nila?) someone told the students kung ano ang pinag uusapan sa nursing office and this concerns all the BSN 3rd year coz you know why? Nagkaroon na naman ng DELIBERATION ( hope tama spelling ko lol ) kung sino ang mga mag affilliation sa manila. Remember last time na nagdeliberate sila sa mock board results ay nagka leche leche ang results. Sana sa BSN3 maging aware kayo sa ngyayari sa school natin baka naman pasado kayo pero dahil sa hindi nila gusto na makapasa kayo ay ibagsak kayo at hindi makatungtong ng 4th year or ng affiliation.
Back to the story, the whole day hindi nag fax or gumawa ng aksyon ang CHED region 3 about sa letter ni chairman angeles na pagraduatin ang MAGIC 58 ( I called it magic 58 lol ) that’s why they decided again to go to CHED manila to talk to the CHED commissioner, lets just hope and pray na maging positive ang result, sana nga tuparin na ni mr. Angeles ang nabitiwan nyang salita ANG IPASARA ANG SCHOOL NA CIC… lolz. I’ll keep you updated. Exciting diba? Lolz.. rotfl…
march 27, 2009
nagpunta ang ilan sa mga estudyante na ayaw pagraduatin ni Fr. Richmond Nilo sa CHED para kumuha ng kopya ng sulat ni CHED chairman Emmanuel Angeles at ifollow up na rin kung na ifax na ba ang sulat. umaga pa lang daw na ifax na sa VPAA office ang sulat containing intructions from CHED Chairman Angeles na pagraduatin ang mga estudyante dahil na rin sa napatunayan na hindi kasama sa curicullum ang enhancement program.
@4pm hindi pa rin pinapatawag ang mga students kung papagraduatin sila o hindi thats why sila na ang lumapit sa VPAA kung natanggap ba nila ang sulat ng CHED, and VPAA Cortez replied "oo natanggap na namin di ko pa masyado binabasa eh busy kasi maraming importante ginagawa ( wow yung sulat kaya eh galing sa CHED hndi ba importante yun? ) snd she added " narecieve na rin ni Fr. Richmond kakatawag nga lang ya at sabi di daw talaga kayo gagraduate.
ang tigas talaga ng mukha ng pari na to CHED na ang nag uutos ayaw pa rin nya sumunod.
the students then decided to go directly to Fr. Richmond para marinig nila mula sa kanya ang desisyon and the decision is still NO!!!
wala na ko masasabi sa pari na to, matapang ba sya dahil walang kinakatakutan? kasi mismong utos ng CHED binabalewala nya, matalino ba sya o puno ng katangahan? di ba nya alam na maaaring mapasara ang eskwelahan dahil sa maling mga desisyon nya? dahil ba sa natalo sya sa pinaglalaban nya? eh mali naman yung pinaglalaban nya, sabi nga sa bibliya tanging katotohanan lang ang magpapalaya sayo, kaya tanggapin mo na ang katototohanan na talo ka at mali ka. isipin mo rin na kung mapapasara ang eskwelahan na yan daan daan na empleyado ang mawawalan ng trabaho at ang ilang taon na iniingatan ang pangalan ng CIC ay mababalewala dahil na rin sa pride mo.
kung gagawa ng hakbang ang CHED sana po ay sa madaling panahon. marami pong anomalya ang eskwelahan na to, sa mga binabayaran ng mga estudyante, sa GALA uniform na twice lang isusuot na nagkakahalaga ng 700-850 pesos na kung sa iba ka magpapatahi ay nasa 500pesos lang, ang sapatos na pang duty ng mga nursing student na doble ang presyo kumpara sa presyo nito sa merkado.
kami pa rin po ay umaasa na magkakaroon ng katuparan ang aming hiling na makagraduate ang 58 students na to at kung hindi pa rin po ipagkaloob at magmatigas ang paring ito sa korte na lang po sila maghaharap harap and this time its not the school vs. the students its CHED vs. the school.

cic bsn scam 2009 latest update

Update on the story:
Last Friday (march 20, 2009) nagpunta ang mahigit 30 students out of the 58 students na ibinagsak nila sa Ched main (Quezon City) for mediation , nandun din si Fr. Richmond with Dean Cortez and Mrs. Bernabe, di ko na papahabain pa nag usap usap sila dun pero si Fr. Richmond lang ang nagsasalita, take note hindi nagsasalita yung dalawa kasi sasabit sila. Tinigasan na ni Fr. Richmond ang hindi pagraduatin ang 58 students, nang tinanong ng taga ched kung para saan ang 3,500 na siningil nila para sa enhancement program na yun ay wala syang maisagot, iniiba nya ang usapan, the ched mediator even said that bawal yung ginawa nila na yun dahil may memo ang ched sa mga schools na di sila pwedeng mag affiliate with review centers at bawal silang maningil ng ganung fee for the enhancement program nayun. Sa mediation na to hiniling ng mga students na makagraduate na pero di pa rin pumayag ang pari at nagpropose pa ng another remedial 500 questions at pag di nakapasa 2010 gagraduate ( ang lupit diba? pari yan alagad ng Dios, pero mag isip isip ka kung talagang alagad sya ng Dios). Sa makatuwid walang ngyari sa mediation nay un umuwi sila fr. Richmond, dean at mrs. Bernabe na nakangiti kasi nasira nila ang moral ng mga estudyante, nagpasya ang mediator na “failed mediation ang ngyari” sabi ng taga ched pabubuksan nila ang record ng CIC sa region 3 office nila para malaman kung may enhancement program nga bas a curriculum.
Tuesday( march 24, 2009) sa Ched region 3 sila nagpunta, nandun si dean, vice pres. For academic affairs, at taga registrar, kaharap ang 10 students with the regional head ng CHED… dito nagka anomalya na naman kasi nagmeeting muna yung tatlo with the regional head ng CHED na di kasama ang mga students numpala may niluluto na naman silang plano para malito at mawalan ng pag asa ang mga estudyante, take note ano ba ang pinunta ng mga estudyante at ng mga taga CIC dun? “tingnan po ang libro ng school kung may enhancement program nga bas a curriculum”. Sinubukan ng CHED director na mag mediate at makipag areglo, ang gusto ni director pagraduatin ang mga estudyante at magsummer class ulit… (parang Malabo yata yun kasi yung ibang mga students nag downpayment na sa mga review centers including yung review center na inindorso ni dean Cuaresma) hindi pumayag ang mga students, so pumunta na sila sa talagang kung ano ang ipinunta nila dun ang pagbukas ng libro ng school at napatunayan nila na WALA TALAGA ANG ENHANCEMENT PROGRAM SA CURICULLUM NA YUN AT HINDI ITO DAHILAN UPANG HINDI MAKAGRADUATE ANG MGA ESTUDYANTE….
Umuwi sila dala ang kopya ng syllabus ng curriculum.
The next day (March 25, 2009) nagtungo ang mga estudyante sa CHED main, 9:00 am nakipag usap sila kay CHED chairman Emmanuel Angeles, ipinakita nila ang mga dokumento na magpapatunay na WALA TALAGA ANG ENHANCEMENT PROGRAM NA YUN SA CURICULLUM, they decided to have a meeting along with the other commissioners para mapag usapan kung anong desisyon ang kanilang ipapataw.
At 3pm natapos ang meeting ng mga CHED officials at SALAMAT SA DIOS at nagtagumpay ang KATOTOHANAN AT KABUTIHAN, gumawa ng SULAT ang opisina ni chairman Emmanuel Angeles na nag uutos na dapat sila pagraduatin ngayong march 31, 2009. Ito ay ipapataw ng CHED region 3 (teka bakit nga ba region 3 na naman ang maglalakad? ITO AY SA KADAHILANANG AYAW NA NI CHAIRMAN ANGELES NA SYA ANG MAG ASIKASO DAHIL DAW PAG NAPATUNAYAN NI CHAIRMAN ANG ANGELES NA MARAMING NAGAWANG PAGLABAG SA ALITUNTUNIN NG CHED ANG NASABING ESKWELAHAN AY SIYA MISMO ANG MAGPAPASARA NITO. Kahit po sana yung nursing department na lang ang alisin total may magagandang kurso pa naman na inooffer ang CIC gaya ng HRM. Sana lang po ay sumunod itong si Fr. Richmond Nilo sa utos ng CHED.

Kami po sa CIC BSN Batch 2009 ay nagpapasalamat sa mga suporta at panalangin na ibinagay aming mga mahal sa buhay, kaibigan, maging sa mga estudyante sa CIC na hindi naming kabatch na tumulong upang palakasin an gaming mga loob at nagbigay inspirasyon upang ipaglaban ang tama.
Ang masasabi lang po naming sa mga opisyal ng CIC kay Fr. Richmond, sana inisip mo na isa kang pari, kayo ay sinugo ng Dios kapalit nila dito sa lupa upang magpalaganap ng kabutihan ng Dios sa tao, kung ang ministeryo mo ay sa pamamahala, ipanalangin mo sa Dios na bigyan ka ng kahusayan sa pamumuno na sa bawat desisyon mong gagawin ay di madudungisan ang pangalan ng Panginoon sapagkat pari ka naman at siya ang iyong nirerepresenta. Sana inisip mo rin ang mga kalagayan ng mga bata na 4 na taon nag aral sa school na to at pag malapit na sila makatapos ay bigla mong aalisin sa kanila ang isang bagay na bahagi ng kanilang buhay na napagtagumpayan nila na makakapagpabago ng kanilang buhay at ng kanilang pamilya. Sana inisip mo ang mga magulang na nagpakahirap sa pagtatrabaho upang igapang ang pag aaral ng kanilang mga anak, nariyang may mga magulang na umuwi pa galling ng ibang bansa upang masilayan ang kanilang mga anak sa araw ng kanilang pagtatapos at Makita ang bunga ng kanilang pag hihirap at pagtitiis. Fr. Richmond nakakatukog ka pa ba sa gabi? O sadyang gayun na lang katigas ang damdamin mo? Isipin mo nakadikit sa pangalan mo ang Father.
Kay Dean Cuaresma naman po, hindi po tama na yung nakapasa lang sa enhancement program nyo ang pagagraduatin at pakukuhanin nyo ng Board exam dahil sa tingin nyo po ay sila lang ang makakapasa… HINDI PO KAYO DIOS PARA SABIHIN ANG DAPAT MANGYARI…. 30 lang ang nakapasa ng mock board ibig sabihin hindi effective ang enhancement program nyo…. At kung ginagawa nyo ito para maitaas ang kaledad ng school, magi sip po ulit kayo at MALI PO KAYO DYAN… NAPAKARAMING FACTORS na dapat iconsider upang maitaas ang kaledad ng school nariyang magkaroon ka ng magagaling na FACULTY MEMBERS, maganda at sapat na FACILIDAD para makatulong sa mga estudyante, kaming mga students ay nagpunta sa school nyo para matuto at turuan nyo.. dapat kayo ay nandyan para saming paglago hindi yung kayo pa ang magbibigay ng sama ng loob at problema samin… torture ang ginawa nyo saming mga estudyante… sana nga nakakatulog kayo sa mga ginagawa nyo…
SUMA TOTAL HINDI EFFECTIVE ANG ENHANCEMENT PROGRAM SA CIC MAGING ANG PAGTUTURO KAYA KAYO MAG ISIP ISIP NA KAYO KUNG GUSTO NYO PA MAG ARAL SA SCHOOL NA YAN… GOD BLESS YOU…..

cic bsn scam 2009 update

Request and questions to be answered:
1.ano ba gusto namin? Unang una sa mga cicbsn 2009 na pagraduatin na nila lahat, naipasa naman namin ang leadership management at ethico legal na talagang kasama sa ncm 105 ( may nakalagay pa nga sa waver na gerontology, di naman kami tinuruan ng gerontology ng school na to)
2. Batayan po ba ang enhancement program na to para hindi maka graduate ang mga estudyante? Na hindi naman kasama ang enhancement sa curicullum namin?
3. Oo pumirma kami sa waver, dahil na rin sapilitan to at hindi man kami nakapag konsulta sa mga magulang namin, we still believe that our parents have the rights to know kung ano nangyayari sa pag aaral namin
4. Dapat from the start nilinaw nila mga component ng enhancement program na yan, sana mas magandang venue, magagaling na lecturers at hindi isang review center lang ang magbibigay ng mock board questions..
5. Sa mga nursing students ng cic ngayon pa lang mag isip isip na kayo habang maaga pa.. Mag silipat na kayo tutal mahina na rin naman ang faculty ng cic nursing. Nandyang may balitang nakipag relasyon ang isang member ng faculty ng nursing sa isang student at may kaso sya ngayon na sexual harassment at hanggang ngayon ay dinidinig pa rin ang kaso na yun pero walang magawa noon si dean hindi nya matanggal ang clinical instructor na yun noon. Mabuti nga wala na sya ngayon. Meron pang isang faculty member si dean Cuaresma at iyon si Mr. Ryan Ramos (remember him sya yung nagsabi sa mga students na “pag pumasa sa mock board pasado na at pag bumagsak ay bagsak”) ang nagging kaso naman ng poging CI na to ay during CHN sa community nagkaroon sila ng water potability testing ( yun yung itetest yung poso ng mga residente para malaman kung safe ang ginagamit nilang tubig) sa pagtetest na yun papainitan yung bunganga ng poso, ginamit nya yung denatured alcohol (ito yung ginagamit rin sa BOGA) ayun sa kasamaang palad at sa negligence na rin ni Mr. Ryan Ramos ay nasunog ang pobreng estudyante 3rd degree burn. Pero sa kasamaang palad di naman napaalis yun sa school at hanggang ngayon makikita mo pa rin sya sa school at pag makakasalubong mo sya parang tumatawa at nakangiting aso pa…
6. according to the CHED, all schools are not allowed to tie up with any review center, kami po ay nagbayad ng 3,500 pesos right from the start ng review namin, sapilitan po ito na nakabill na samin agad nung pre lim pa lang po.
7. sabi rin po ng CHED kung ano daw po ang inenrollan na curicullum ng isang estudyante ng pumasok sya sa isang school right from the start ay yun po ang susundin na curricullum ng estudyante hanggang sya ay makagraduate at hindi pwedeng sa huli ay bubulagain sila ay may ipapasok na subject na magiging dahilan pa ng hindi pag graduate ng isang estudyante.

cic bsn scam 2009

To whom it may concern specially cic bsn2 bsn3 bsn4 students
Aware na ba kayo sa ngyari ngayong linggo lang na to sa mga bsn 4th year ng cic?
Nagkaroon ng pre board last saturday at sunday , test 1,2,3 nung saturday after matapos yung test 1 at 2 pinost nila agad ang mga scores so alam mo na agad standing mo para kung makakahabol ka by next day which is test 4 and 5. After test 4 and 5 di nila pinost iyon and dean quoted “ di muna namin popost ang scores nyo kasi ginagawan pa namin ng intervention bukas na lang ng umaga” around 180 students heard that, 220 ang total students ng bsn 4 di pa naman kasi nakakatapos ang mostly 40 students nagtatake pa sila ng test 5.. So kinabukasan nagpunta kami sa skul ng umaga to check yung result, hapon na di pa nila nilalabas ang resulta that’s why we all decided to have a meeting para kausapin si dean na ilabas yung resulta. During the meeting sa loob ng office, wala ring ngyari , one thing na quenestion ng mga students ay kung kasama ang enhancement program sa ncm 105 curicullum, which kung titingnan nyo is wala naman…
After the meeting nagpost na sila ng mga names ng pasado daw sa enhancement program almost 80 lang ang pumasa pero according to a good source mismo inside the office is around 30 lang talga ang pumasa eh bakit naging 80??? Yun na pumasok yung sinabi ni dean na intervention, kasi kung papalabasin lang nila na 30 lang ang nakapasa ibig sabihin hindi effective ang enhancement program..
Eto ang ngyari sa enhancement program right from the start:
Start of the 2nd semester pinapirma nila kami ng waver saying that the enhancement program is included in ncm 105 along with leadership and management, ethico legal, gerontology.. Failure of any of this component will mean falure on the course and failure on the enhancement program will have an incomplete grade ( “paano ka nga mag kaka incomplete grade, wala naman talaga sa curicullum yung enhancement program na yun?”) Sapilitan po kaming pinapirma ng waver na yan, a student even ask dean “ maam pwede po ba namin ipakita sa parents namin to?” , eto reply ni dean cuaresma” bakit ilang taon ka na ba? Bakit kailangan mo pa itanong sa magulang mo? Sila ba ang nag aaral?”. Wala kaming nagawa kasi sabi ni dean pag hindi pumirma ng waver hindi papapasukin ng enhancement program which is nakabill na samin ng prelim 3,500 pesos, even yung isang block na nagdecide wag mag pass at the last month of the semester ay tinakot na hindi raw pakukunin ng mock board exam. During the orientation maam juane told us about the component of the enhancement ( the mock board and the post tests ) but they didn’t inform us kung ilan ang percentages or weight nung mock board at ng post tests.
The start of the review:
Dr. Pablo (eent) venue: school site ; post test
Mrs. Lava (ob) venue: school site ; post test
Diagnostic test 300 items given by merge
Merge (pedia) venue: school site
Merge (funda) venue: school site
Aim one ( psyche) venue: catalina hall @ good samaritan colleges ; post test
Aim one (ms) venue: catalina hall and andreas@ good samaritan colleges; post test
Gapuz review (communicable diseases) venue: avr @ cic main ; post test
Note: cic main avr sitting capacity is only 150 persons, to think there are 220 bsn4 students
Nclcex (chn) venue: avr @ cic main ; post test
Ethico legal and leadership ( handled by 2 women who are good friends of maam edelmira bajacan) venue: avr @ cic main ; post test
Ncclex (ob and psyche) venue: avr @ cic main ; this is free c/o ncclex di nagbayad ang school sa paglelecture nila and they are good lecturers
Research and nutrition ( dr. Diaz a faculty of cic) venue: avr @ cic main ; post test
Then they announced that there will be a test drills in our computer lab sa school saturday after nung lecture ni maam diaz
• Test drill na to hindi ito nabanggit nung simula pa lang
Nung start ng test drill(100 items for 1 hour) diniscuss na nila yung grading system
Mock board 40%
Post tests 50%
Test drills 10%
Take note nun lang nila sinabi ang grading system na yan….. Test drill is 1 week before the mock board exam
After ng test drills dean cuaresma ask the students na magpakonsulta sa kanya about sa grades sa enhancement para malaman mo ang standing mo at kung ilan na lang ang hahabulin mo. They computed the post tests 660 items atyung test drills na hindi naman nabanggit right from the start
After ng test drills pinost nila agad ang scores ng students, mr. Ryan ramos a faculty said to the students that “ binago ni dean ang grading kung sino na lang daw ang papasa ng mock board yun ang gagraduate “ (which dean denied nung naiipit na sya ng mga students kasi nga 30 students lang ang pumasa sa mock board it would only mean that the enhancement program is not effective)
Then the mock board facilitated by aim one review center
• To think that aim one only handled the ms and psyche subject pero sila nag pa mock board samin unlike in wesleyan colleges sila ang in-house review ng school for 3 sems… of course mahihirapan ang mga student sa cut off na 60% passing, almost 60 % of students nga got 50%-60% sa mock board na yan “not bad di ba?”
The first paragraph will show kung ano ngyari the day after nung exam…that was monday.
Tuesday around 100 students decided to go to father richmond( president of the school ) para sabihin ang mga hinaing nila, mga irregularities sa paglalabas ng result they even ask him kung kasama talaga ang enhancement program sa ncm 105 curicullum, and he replied oo daw nakapaloob dun, what is funny about it is pag tiningnan mo ang curicullum 2 subject lang leadership and management at ethico legal. Nasan yung enhancement program? (baka nagtatago sa loob nun)
Take note: bago gumawa ng isang bagay ang isang school lalo na regarding with the curicullum dapat may memorandum ng ched, nagkaroon lang ng memorandum ang ched last 2008 about the enhancement sa mga papasok ng 2008 at yun ang mga first year ngayon, new curicullum na sila… bsn4, bsn3, bsn2 are still part of the old curicullum of nursing..
Father richmond told them magmeemeeting sila about it, at magkakaroon ng remedial exam para sa 140 na students na bumagsak ng wednesday , kinabukasan na yun.( paano ka pa magrereview nun? Ilang araw ka na nga di natutulog sa pagrereview at pag aalala sa ngyari ano isasagot mo?).
During the remedial exam (march 12,2009):
200 items ang remedial exam napaka hirap daw po…. Again aim one ang nagfacilitate (daming favors na nahingi sa aim one kelan kaya ang singil????).
12 nn natapos ang exam, @ 5pm inilabas nila ang list ng pumasa and again walang nakalagay na scores ng students basta lists of names lang.. Dun sa 140 na ibinagsak nila nung monday (take note sa word na ibinagsak ha) 58 students did not passed the remedial exam

Take a note of this one:
May usap usapan na before pa mag ka remedial exam meron ng list ng mga students na ipapasa nila, unfair di ba? Kailangan kasi pakontiin na lang nila ang ibabagsak nila( take note ulit yung word na ibabagsak not bumagsak) para konti na lang ang kalaban nila at konti rin ang magrereklamo, ang hindi nila alam merong mga students na binagsak nila na merong koneksyon ang pamilya sa mga sangay ng gobyerno na tiyak na hindi titigil hanggat hindi naitatama ang mali nila pinag gagagawa….
Dahil sa matinding pressure, ipinapakita na nila ang result ng test 1 to 5 sa mga students ang tanong accurate kaya ang pag cocompute ng mga yun? Baka naman nag ka dagdag bawas na rin??
Ano na mangyayari sa mga ibinagsak sa remedial?
Mag eenroll sila ng summer class sa aim one review center (eto na ang paniningil ng aim one sa cic sa dami ng pabor na nakuha ng cic sa aim one) magbabayad sila ng 2,000 for their summer class sa aim one at pag di sila pumasa sa aim one ay mag eenroll ulit sila ng november kasabay ang mga 3rd year ngayon at kukuha ulit ng enhancement program at mock board exam.. Paano kung bumagsak ulit sila ng mock board?? Siguro habang buhay na sila sa cic….. Habang buhay na peperahan…
Take note of this one again… paano nila bibigyan ng incomplete na grade ang mga estudyante na to eh wala naman sa curicullum ang enhancement program?? 3 subjects lang , ethico legal, leadership and management at ang rle. At kung bumagsak ng summer alin ang lalagyan nila ng failing grade????