To whom it may concern specially cic bsn2 bsn3 bsn4 students
Aware na ba kayo sa ngyari ngayong linggo lang na to sa mga bsn 4th year ng cic?
Nagkaroon ng pre board last saturday at sunday , test 1,2,3 nung saturday after matapos yung test 1 at 2 pinost nila agad ang mga scores so alam mo na agad standing mo para kung makakahabol ka by next day which is test 4 and 5. After test 4 and 5 di nila pinost iyon and dean quoted “ di muna namin popost ang scores nyo kasi ginagawan pa namin ng intervention bukas na lang ng umaga” around 180 students heard that, 220 ang total students ng bsn 4 di pa naman kasi nakakatapos ang mostly 40 students nagtatake pa sila ng test 5.. So kinabukasan nagpunta kami sa skul ng umaga to check yung result, hapon na di pa nila nilalabas ang resulta that’s why we all decided to have a meeting para kausapin si dean na ilabas yung resulta. During the meeting sa loob ng office, wala ring ngyari , one thing na quenestion ng mga students ay kung kasama ang enhancement program sa ncm 105 curicullum, which kung titingnan nyo is wala naman…
After the meeting nagpost na sila ng mga names ng pasado daw sa enhancement program almost 80 lang ang pumasa pero according to a good source mismo inside the office is around 30 lang talga ang pumasa eh bakit naging 80??? Yun na pumasok yung sinabi ni dean na intervention, kasi kung papalabasin lang nila na 30 lang ang nakapasa ibig sabihin hindi effective ang enhancement program..
Eto ang ngyari sa enhancement program right from the start:
Start of the 2nd semester pinapirma nila kami ng waver saying that the enhancement program is included in ncm 105 along with leadership and management, ethico legal, gerontology.. Failure of any of this component will mean falure on the course and failure on the enhancement program will have an incomplete grade ( “paano ka nga mag kaka incomplete grade, wala naman talaga sa curicullum yung enhancement program na yun?”) Sapilitan po kaming pinapirma ng waver na yan, a student even ask dean “ maam pwede po ba namin ipakita sa parents namin to?” , eto reply ni dean cuaresma” bakit ilang taon ka na ba? Bakit kailangan mo pa itanong sa magulang mo? Sila ba ang nag aaral?”. Wala kaming nagawa kasi sabi ni dean pag hindi pumirma ng waver hindi papapasukin ng enhancement program which is nakabill na samin ng prelim 3,500 pesos, even yung isang block na nagdecide wag mag pass at the last month of the semester ay tinakot na hindi raw pakukunin ng mock board exam. During the orientation maam juane told us about the component of the enhancement ( the mock board and the post tests ) but they didn’t inform us kung ilan ang percentages or weight nung mock board at ng post tests.
The start of the review:
Dr. Pablo (eent) venue: school site ; post test
Mrs. Lava (ob) venue: school site ; post test
Diagnostic test 300 items given by merge
Merge (pedia) venue: school site
Merge (funda) venue: school site
Aim one ( psyche) venue: catalina hall @ good samaritan colleges ; post test
Aim one (ms) venue: catalina hall and andreas@ good samaritan colleges; post test
Gapuz review (communicable diseases) venue: avr @ cic main ; post test
Note: cic main avr sitting capacity is only 150 persons, to think there are 220 bsn4 students
Nclcex (chn) venue: avr @ cic main ; post test
Ethico legal and leadership ( handled by 2 women who are good friends of maam edelmira bajacan) venue: avr @ cic main ; post test
Ncclex (ob and psyche) venue: avr @ cic main ; this is free c/o ncclex di nagbayad ang school sa paglelecture nila and they are good lecturers
Research and nutrition ( dr. Diaz a faculty of cic) venue: avr @ cic main ; post test
Then they announced that there will be a test drills in our computer lab sa school saturday after nung lecture ni maam diaz
• Test drill na to hindi ito nabanggit nung simula pa lang
Nung start ng test drill(100 items for 1 hour) diniscuss na nila yung grading system
Mock board 40%
Post tests 50%
Test drills 10%
Take note nun lang nila sinabi ang grading system na yan….. Test drill is 1 week before the mock board exam
After ng test drills dean cuaresma ask the students na magpakonsulta sa kanya about sa grades sa enhancement para malaman mo ang standing mo at kung ilan na lang ang hahabulin mo. They computed the post tests 660 items atyung test drills na hindi naman nabanggit right from the start
After ng test drills pinost nila agad ang scores ng students, mr. Ryan ramos a faculty said to the students that “ binago ni dean ang grading kung sino na lang daw ang papasa ng mock board yun ang gagraduate “ (which dean denied nung naiipit na sya ng mga students kasi nga 30 students lang ang pumasa sa mock board it would only mean that the enhancement program is not effective)
Then the mock board facilitated by aim one review center
• To think that aim one only handled the ms and psyche subject pero sila nag pa mock board samin unlike in wesleyan colleges sila ang in-house review ng school for 3 sems… of course mahihirapan ang mga student sa cut off na 60% passing, almost 60 % of students nga got 50%-60% sa mock board na yan “not bad di ba?”
The first paragraph will show kung ano ngyari the day after nung exam…that was monday.
Tuesday around 100 students decided to go to father richmond( president of the school ) para sabihin ang mga hinaing nila, mga irregularities sa paglalabas ng result they even ask him kung kasama talaga ang enhancement program sa ncm 105 curicullum, and he replied oo daw nakapaloob dun, what is funny about it is pag tiningnan mo ang curicullum 2 subject lang leadership and management at ethico legal. Nasan yung enhancement program? (baka nagtatago sa loob nun)
Take note: bago gumawa ng isang bagay ang isang school lalo na regarding with the curicullum dapat may memorandum ng ched, nagkaroon lang ng memorandum ang ched last 2008 about the enhancement sa mga papasok ng 2008 at yun ang mga first year ngayon, new curicullum na sila… bsn4, bsn3, bsn2 are still part of the old curicullum of nursing..
Father richmond told them magmeemeeting sila about it, at magkakaroon ng remedial exam para sa 140 na students na bumagsak ng wednesday , kinabukasan na yun.( paano ka pa magrereview nun? Ilang araw ka na nga di natutulog sa pagrereview at pag aalala sa ngyari ano isasagot mo?).
During the remedial exam (march 12,2009):
200 items ang remedial exam napaka hirap daw po…. Again aim one ang nagfacilitate (daming favors na nahingi sa aim one kelan kaya ang singil????).
12 nn natapos ang exam, @ 5pm inilabas nila ang list ng pumasa and again walang nakalagay na scores ng students basta lists of names lang.. Dun sa 140 na ibinagsak nila nung monday (take note sa word na ibinagsak ha) 58 students did not passed the remedial exam
Take a note of this one:
May usap usapan na before pa mag ka remedial exam meron ng list ng mga students na ipapasa nila, unfair di ba? Kailangan kasi pakontiin na lang nila ang ibabagsak nila( take note ulit yung word na ibabagsak not bumagsak) para konti na lang ang kalaban nila at konti rin ang magrereklamo, ang hindi nila alam merong mga students na binagsak nila na merong koneksyon ang pamilya sa mga sangay ng gobyerno na tiyak na hindi titigil hanggat hindi naitatama ang mali nila pinag gagagawa….
Dahil sa matinding pressure, ipinapakita na nila ang result ng test 1 to 5 sa mga students ang tanong accurate kaya ang pag cocompute ng mga yun? Baka naman nag ka dagdag bawas na rin??
Ano na mangyayari sa mga ibinagsak sa remedial?
Mag eenroll sila ng summer class sa aim one review center (eto na ang paniningil ng aim one sa cic sa dami ng pabor na nakuha ng cic sa aim one) magbabayad sila ng 2,000 for their summer class sa aim one at pag di sila pumasa sa aim one ay mag eenroll ulit sila ng november kasabay ang mga 3rd year ngayon at kukuha ulit ng enhancement program at mock board exam.. Paano kung bumagsak ulit sila ng mock board?? Siguro habang buhay na sila sa cic….. Habang buhay na peperahan…
Take note of this one again… paano nila bibigyan ng incomplete na grade ang mga estudyante na to eh wala naman sa curicullum ang enhancement program?? 3 subjects lang , ethico legal, leadership and management at ang rle. At kung bumagsak ng summer alin ang lalagyan nila ng failing grade????
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment